lonely heart Pebrero 8, 2008
Posted by einn0c in The Serious Side of Me.Tags: emotion, innner self, loneliness
trackback
‘ This is loneliness.Oh, what a bitter thing ” – Hedfort
Nagising ako kaninang umaga na punong puno ng lungkot ang aking puso. Sa totoo lang di ko mawari ang tunay na dahilan ng dalamhating aking nararamdaman.
Dahil ba ito sa isang panaginip na di ko lang matandaan? Dahil ba ito sa isang usapan bago ako matulog kagabi? Dahil ba sa nagising akong mag-isa at wala mang lang makausap? Dahil ba ito sa mga dating alalahanin?dating problema?kasalukuyang suliranin? o magiging problema pa lang?
Hanggang sa pagpasok ko sa opisina ay dala ko ang bigat ng kalooban at sa awa ng Diyos ay wala pa rin akong nasusumpungang kasagutan. Sadya nga bang minsan dumarating sa buhay ng tao ang nakakaramdam sya ng lungkot at parang ibig nyang lumuha pero wala namang dahilan? Baka naman may problema na akong sikolohikal?!
Pero kahit gaano pa ka-negatibo ang pwersang nararamdaman ko sa oras na ito ay di ko hahayaang basta na lang ako magpapahilala at magpapakalugmok sa kalungkutan. Di ko hahayaang magapi nya ako.
Lalaban at lalaban ako!
Aaliwin ko ang sarili ko hanggang makalimutang kong malungkot ako. Magliliwaliw ako sa blogosphere hanggang kung saan ako dalhin nang aking kompyuter, makikigulo ako sa aking mga kaopisina, kakain ako anuman ang aking naisin at tititigan ko ang larawan ni verna at kasabay nito ang pagbalintataw ng kanyang kakulitan, kakyutan at kalambingan. Hanggang sa di ko mamamalayang ngumingiti na pala ako, tumatawa na pala ako. Masaya na pala ako!
Sana nga…
ay nakooowww!!! nahirapan talaga sa kakahanap ng bagong link mo, pramis!!!!
at least ngayon na update ko na blog roll ko…
pasensya na kung mejo naging intruder ako dito ah….heheheh
naalala mo ko ?? ako si random…nyahahha..magpakilala ba ulet…
malungkot din ako ngayon eh…pero may dahilan..marami..isa na ron ang di ko kayang kunin ang cellphone ko sa repair shop kasi ala akong pambayad…anlayo pa kasi ng sweldo….ang ibabayad ko, ikakain ko nalng…di naman cguro nila ititinda ulet ang celphone ko pag di ko muna nakuha no??? sana nga..kukunin ko naman talaga yun eh..di muna ngayon..
okei..masyado na akong matabil…
==========
ellow random.xempre naaalala pakita.bago na avatar natin ha.namiss ko tuloy yung low waist maong pants mo he..he..
yaan mo muna ung cp mo tambay sa pagawaan di naman cguro tatakbo un.ayaw mo nun sobra mo xang mamimiss at pag nagkita kayo ulit mapapapanay ang pindot mo he..he..
oo nga….tumawag ako kanina..takte, nasa supplier pa daw talaga ..huhuhuh…
nagsawa na din ako sa low waist na pants na yun…kinakabag na ko dun eh…hahhha
==========
o, bat kaw malungkot?
lilipas din yan sis, sabi nga nila ang ‘happines’ daw eh isang choice. nsa sa ‘tin na daw yun kung pipiliin nating maging masaya o nde. advise nga ni random sa kin, ‘manlalake’ daw nyahahaha. (@ random
)
cheer up sis connie! kikilitiin ko paa mo cge ka!
==========
sshhh..susundin ko yang advised sau ni ramdom.wag ka maingay ha?baka makarating kay papa he..he..
tama ka cams!! ang tanong: Baka may lalaki na si Madam Connie ko??? Panu yun?….heheheh
o cge, tama na muna drama natin, patulan mo muna tong tag ko sayo madam!!!!
http://randomdemeanor.wordpress.com/2008/02/10/lantaran-magazine-first-and-final-edition/
==========
wow isa ito sa miss ko ang mga tags ever!
hugs for you
==========
tenchu
go for it kaya mo yan…
=========
oo naman ako pah!..