jump to navigation

Untitled Pebrero 20, 2008

Posted by einn0c in Whatever!.
Tags: , , ,
trackback

Anim na araw akong nawala sa WP dahil sa ilang mga bagay na kinaharap ko at dapat harapin.

Feb. 14 : Valentines Day. Ang dapat sana ay saktong araw para magsulat ng mga kakiligkilig na usapang puso. Pero hindi ko na nagawang i-post ang nais ko sanang ibahagi sa araw na iyon dahil sa tensyong naghari dito sa opisina na nagdulot pa ng aking pag-iyak. Nakipag-date tuloy ako na namumugto ang aking mga mata,nevertheless keri naman at beauty pa rin ;)

Feb 15 : Toxic ang utak ko sa araw na ito. Ang kalahati ay nakatoon sa tensyon dito sa opisina at trabahong dapat tapusin samantalang ang kalahati ay nakapokus sa aking pag-uwi sa pangasinan kung saan idadaos namin ang unang kaarawan ng aking little princess. Sa sobrang pagod ng utak ko ay di ko na nagawang magbukas ng aking blog at ang masama nakatulugan ko ang dapat sana ay 8:30 kung byahe kaya napilitan akong habulin ang 12:30 am trip.

Feb. 16 : Kahit puyat at pagod pa sa biyahe ay kinailangan ko ng gumising para mamili ng gagamitin sa pagdiriwang. Mahigit isang oras pa kasi ang kailangan kong lakbayin para makarating sa kabihasnan. Hayy hirap ng nasa kasuluksulukan ng daigdig.at dahil walang pc,wala rin blog.

Feb. 17: Ang araw kong saan namin ipinagdiwang ang birthday ni Verna ( feb 18 ang talagang araw ng kanyang kapanganakan pero naisipan naming gawin na lang ito ng linggo para walang pasok ang mga bata). Sobrang pagod. Pakiwari ko ay buong baranggay ang dumalo. At muntikan ng magkulang ang handang pagkain dahil nais ata ng mga bisita na ipag uwi ang buong angkan nila. Hay probinsya nga naman ;)

Feb 18 : Verna Margarette’s 1st birthday. Bonding day namin ito. Ang bilis ng panahon. Isang taon na pala ang nagdaan nagsimula ng araw na isinilang ko ang aking baby. Naalala ko pa yung kaba sa unang paghawak ko sa kanya. Napakaliliit at delicate kasi nya.Iyak palang ang nagagawa nya noon.Di naglaon ay nagawa na nyang gumawa ng sounds,ngumiti at tumawa. Nakakataba ng puso.Di nagtagal ay nakakagapang na sya nagpapakitang gilas tulad ng close/open, beautiful eyes,clapping hands atbp.Ngayon ay napakatakaw na nyang kumain, nagagawa na nyang gumabay, nakakakanta ng aaahhh ( adododo,adadada,ahhh). Mrunong na ring syang magtampo,magpacute at maglambing. Hayy, walang dahilan para hindi nya ako mapangiti araw araw.

Feb. 19 : Ang mahabang byahe ng pagbalik dito sa Maynila. Kung ako ang tatanungin ayoko na sanang bumalik dahil nakakadarama ako ng saya at kapayapaan sa probinsya. Pero kailangan kong bumalik sa aking trabaho para sa kinabukasan ng aking anak.

Fe. 20 : Ang araw kung kelan ko sinulat ito. At bukas ay bibigyan ko kayo ng detalye sa mga bagay bagay na nangyari sa araw na ito. Sa ngayon ay puputulin ko muna dito ang isang mahaba at boring na entry.

Good day. :)

Mga Puna»

1. camilleeee - Pebrero 21, 2008

nothing beats those moments pag family ang kasama.. belated happy 1st birthday sa lil princess mo! u know wat, swerte ni verna to have a mom like u. kung pede lang makipagkulitan tayo sa kanila forever na di kelangan bumalik sa work… haayy

nde naman boring ang entry mo, sis c0n ah. lika, eat tayo, may ice cream ako dito ;)

=========
uy like ko yan, ano bang flavor tayo meron dyan sister? :)

2. Fau Rafili - Pebrero 21, 2008

boring? hindi naman ah… mahaba nga lang nya hahahaha!

========

napansin ko nga he..he..