jump to navigation

Haler??? Marso 14, 2008

Posted by einn0c in Whatever!.
Tags: , , , , ,
trackback

Naiinis ako sa sarili ko.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Pakiwari ko ay bumalik ako sa pagiging teenager at nalilito sa aking feelings.Para bang di makakain di  makatulog ang dating.

May isa akong kaopisinang hinahangaan.Siguro dahil cutie at neat ang kanyang arrive, may sense of humor at talented. Lalong tumindi ang paghanga ko nung maging close kami sa kick-off ng aming opisina.

1. Paghanga lamang ba ang nararamdaman ko sa kanya ganung may pagkakataon na nagdi-daydreaming ako na sya aking kasama?

2. Bakit masaya ako sa tuwing nakikita k0 sya lalo kapag binabati nya ako at tinatawag na partner?

3. Bakit nakaramdam ako ng kirot ng malaman kung may gf na sya at nagwowonder ako kung ano kaya hitsura nito?

4. Tama bang makaramdam ako ng ganitong mga bagay gayong may asawa na ako?

5. May mga pagkakataon din kaya na dumaan sa ganitong stage ang asawa ko? o ibang taong tulad kung committed na?

Gusto kong isipin na paghanga lang to at nothing more than that. At darating ang panahon na makakalimutan ko rin ang anumang nararamdaman ko ngayon.

Naalala ko tuloy noong haiskul ako–”bata ka pa,puppy love lang yan,lilipas din yan :)

Mga Puna»

1. eNocH - Marso 14, 2008

siguro may nakikita ka sa kanya na wala sa asawa mo. natural lang ang humanga sa iba(lalo na physically) pero ibang usapan pag nagmahal na ng iba! :)

=========

siguro nga… :)

2. lilmiz - Marso 15, 2008

ahehe mas ok nga yan, may inspirasyon ka sa opis so may rason ka na para gusto mo na pumasok araw-araw lolz :P .. ako din, may nakukyutan ako na teammate, pero di pwede, shettt.. hahah

=========

inspirasyon ha..ha…natatawa ako sa sarili ko !