jump to navigation

An Update ( Where is ate Lau?) Marso 19, 2008

Posted by einn0c in The Serious Side of Me.
Tags: , ,
trackback

“Talagang pera lang ang habol nila” , ito ang konklusyon ng lahat sa nangyari kay ate Lau.

Salamat sa Diyos at ok na nga si ate Lau at malaya na mula sa kanyang mga abductors. Bagamat di pa namin alam ang buong pangyayari, ay magbibigay pa rin ako ng ilang updates based sa mga balibalita ( which i think is not 100 % accurate)

While on the way sa Baclaran sa paniniwalang nandun tinago si ate Lau ay nakatanggap muli ng txt ang kanyang asawa na nagsasabing hindi ito tumupad sa usapang dapat 4:30 ay nasa kanila na ang pera.kaya kinabukasan na nya makikita ang kanyang asawa. Sa sobrang takot kahit gusto pang i-delay ang pagdeposit ng pera ng mga pulis para sana mahuli ang mga salarin ay di na nagdalawang isip si kuya bong na ideposito sa account ang amount na hinihingi nila.  ( salamat sa BPI bank na napaki-usapan ng aming opisina na maghintay saglit). Nang ma-withdraw ng mga kidnapper ang pera ay nagtxt sila na puntahan na si Ate LAu sa SM Makati foodcourt.At doon nga ay natagpuan sya ng kanyang pamilya.

Hindi man lang ba nya nakita kung sino ang dumukot sa kanya,una kong tanong ganung inihatid sya sa SM. Ang sagot hindi raw. Di ba sya sinaktan? Hindi naman daw siguro.Di rin kinuha celfon nya?Hindi rin. Pero ang sigurado sila ay di makausap ngayon si Ate Lau at puro Daddy natatakot ako ang sinasabi.

Mga hakahaka:

1. Initially hold-up lang ang pakay pero dahil wala syang dalang pera ay nauwi sa kidnapping

2. ito ang bagong modus-operandi ngayon. Easy money. Ang hihingin lang ng mga abductor ay yung kayang iproduce within the day.

Hay nakakatakot,Kahit sino na pala ngayon ay maaaring maging biktima ng kidnapping. Hindi na lang mga mayayaman kaya ibayong pag-iingat ang kailangan.

 salamat nga pala sa lahat ng mga concerns!

Mga Puna»

1. Jon Cabron - Marso 19, 2008

may surveillance cam sa SM, kung sinamahan dun yung asawa nya pwede nila ipacheck yun. tsaka bihira ang mangingidnap tapos pinapa deposit sa banko yung pera… hmmmmmm.

=========

parang ang lalim ng iniisip mo ah habang nag-hmmmmmmmmmmmmm.

2. repah - Marso 19, 2008

aba.. nku… hanggang ngayun di pa rin b nakikita si ate lau.. hala.. parang ayoko ng lumbas ng bahay.. napanood ko nga sa t.v. ang dming kidnappan ngayun sana mhanap na sya..

==========

nakita na xa repah..thnx God..dapat talaga lagi tayo nag-iingat. prevention is better than cure (huh? bakit biglang parang naging sakit he..he..)

3. Jon Cabron - Marso 20, 2008

nasa dyaryo ‘to kakabasa ko lang
sa ATM pala nung babae idinaan yung ransom.

=========

oo, 20 K ata yung nakuha. saan dyaryo yan?

4. lilmiz - Marso 21, 2008

haay buti naman at nahanap na sya.. sana mahuli na yung mga holdupper/kidnapper!! at uu, lagi tayo mag-ingat, mag-aral kaya tayo ng karate? :D

========

marunong akong mag-arnis pero parang feel ko rin yang karate! hiyahhh

5. randomdemeanor - Marso 21, 2008

eh di ba nagcomment ako dito?????nasan na yun????….bastah..nagcomment ako!!!! sabi ko pa nga, sana makita na si Ate Lau chaka sana wala ding nangyari sa kanya…

—heheh..lusot ba intro ko?..pero feeling (ko lng naman)..nagcomment ako sa post na to…hahha

==========
walang kupas kakulitan mo ram dom! :lol: