jump to navigation

Miss YOu Marso 27, 2008

Posted by einn0c in Whatever!.
Tags: , , , , , ,
trackback

Tatlong taon na rin pala ang lumilipas simula ng huli akong humawak ng pasyente. Kahit papano ay nakakamiss ding maging isang PT (physical the rapist) daw!

Namimiss ko si lola sa Golden Acres na 102 years old ng ako pa lang ay isang intern. Nasaan na kaya sya? Buhay pa kaya sya? Kung nagkataon ay 108 na sya this coming june. Di ko nakalimutan araw ng kapanganakan nya dahil pareho kami ng bday. pareho din kaming taga-pangasinan kaya ilokano kung kami ay mag-usap. Madalas ayaw nya gawin ang exercise regimen nya. Magkwentuhan na lang daw kami at kapag nagtanong ang aking clinical supervisor ay sasabihin nyang ginawa  namin lahat ng dapat gawin.Nung intern kasi bawat di mo ginawa o mali ang pagkakagawa ay may katumbas na demerits at every 20 DM ay katumbas ng 1 day make-up.Sabi ko sa sarili ko pag-nakagraduate na ako ay dadalawin ko si lola at dadalhan ko sya ng maraming stork candy ( ito kasi madalas nyang ipabili sa akin, na palihim kong binibigay dahil bawal magbigay ng kahit ano sa pasyente).

Namimiss ko rin ang exercise namin sa nasabing institusyon. dala-dala ang snare drum ay aming tatawagin ang mga matatanda para sa formation. Uumpisahan ang ehersisyo sa isang…”hingang malalim….buga” na sa halip na bumuga ay sasabayan rin kami sa pagsabi ng buga. Susundan ng lipad hangin, tiklop siko, baluktot bewang…tagalog na tagalog di ba?Ay, bigla kong naalala yung isa pang lola na naging pasyente ko rin na sa tuwing nakikita ako pagkatapos ng exercise ay walang mintis na hahalikan ako. Minsan nga ay tinataguan ko na sya, naiiwan kasi laway o bakat ng lipstick nya sa aking pisngi.Sweet talaga itong si lola kasi nung last day ko sa golden acres ay binigyan nya ako ng isang sabon pampaligo at isang pulbo mula sa avon. Pakiwari ko ay matagal na nyang itinago iyon dahil medyo nagbago na ang amoy, pero ang mahalaga it’s the thought that count ika nga.

Namimiss ko rin si Arvy ang batang lalaking cute na cute subalit walang lakas at pakiramdam ang dalawang paa dahil sa menigocele. Ang play therapy namin, pagkanta ng otso otso at pamela para di sya mabored. At ang walang katapusang question and answer namin. At syempre ang goodbye kiss tuwing matapos ang session.

Kasama rin sa namimiss ko si tatay sa may blumentrit. Na sa tuwing matapos ang aming therapy session ay nagpapameryenda ng softdrinks at hopia. Di nagtagal ay nalaman kong sa ilalim ng tulay lang pala sya nakatira. Sobrang natouch talaga ako. Kahit walang wala na sya ay nagawa pa nyang mag-share.

Marami pa akong namimiss na pasyente. May thoughtful, may sweet, may makukulit pero meron ding pasaway. Namimiss ko rin ang mga kapwa kong PT na ubod ng kulit, mahilig sa inuman, lakwatsa at tong-its. Namimiss ko magstretching. Magbigay ng ibat ibang exercise para sa strengthening, mag-apply ng electrodes at hotmoist pack. Gumamit ng ultrasound. Magturo sa paggamit ng mga assistive device. I-reeducate ang mga stroke na nakalimot ang mga kalamnan at kasukasuan sa dati nilang ginagawa,atbp. Hay nakakamiss. Ano kaya kong bumalik na lang ako sa Hospital?

Mga Puna»

1. bhang26 - Marso 28, 2008

hayyy nung mabasa ko to parang na miss ko din yung may pasyente… yung kakamustahin mo pagdalaw nya sa rehab kung ok na ba sya, kung may pagbabago ba sa pakiramdam nya…
parang gusto ko nang mag take ng boards…para maipagtaloy ang naudlot na propesyon…

========
sige na bhang take ka na suportahan ta ka. tapos after boards sabay tayong resign sa work at mag-hospital base tayo sa us para masaya he..he..

2. camilleeee - Marso 28, 2008

bilib ako sa mga trabahong kagaya nyang sa nyo, sis con.

yung atensyon at pagaalaga na binibigay nyo sa mga taong nangangailangan nun, eh nde matatawaran. lalong lalo na yung mga matatanda. sabihin man nilang ur paid for ur job, pero at the end of the day, yung ’sense of fulfillment’ na nakukuha nyo sa pagaalaga sa knila ang magmamatter talaga.

==========
parng gusto kong maniwala sa tinulan mo cams ;)