jump to navigation

Gain Marso 28, 2008

Posted by einn0c in Uncategorized.
Tags: , , , ,
trackback

Matagal ko ng pangarap ang magkalaman. Kung ang iba suliranin nila kong paano mag loss weight, ako naman ay namomoblema kung paano tumaba. Pero tapos na ang aking pag-aalala dahil unti-unti na akong bumibigat.

Kala ko talaga ay forever na akong maging isang tingting buti na lang at binigyan ako ng doctor ng vitamin noong sinumpong ako ng matinding vertigo. Propan with iron and preniscribe sa akin. Pampagana kumain at pampataas ng hemoglobin. Anemic rin kasi  ako since elementary pa. At tingin ko ay mukhang effective nga sya.

Grabe ang lakas ng appetite ko. Daig ko pa ata ang construction worker sa dami ng nakakain. Basta may pagkain pa sa harap ko ayokong tumigil. Parang inaakit ako..ohhh lumapit ka..Parang angsarap ng lahat ng pagkain. Kahit ano gusto kong lantakan.Yummy!Salamat nga pala kay porky, piggy at piglet na nag-impluwensya sa aking lumamon ng lumamon.

Sarap din ng tulog ko. Katatapos pa lang ng kung fu kids ay inaantok na ako. Buti na lang night shift si hubby walang disturbo sa pagtulog <joke lang bhe,luv u!>.

Siguro nga ay ito na yung matagal kong hinihintay. Kaya sasamantalahin ko na ang pagkakataon baka bigla na naman akong mawalan ng gana at tuluyang maligwak ang aking pangarap. Pero sana wag namang sumobra dahil ayoko rin namang maging obese at lumba-lumba. Yung tipong ako lang ang kasya sa tricycle o tatlo ang babayaran ko sa dyip,wag naman,over na yun.

Mga Puna»

1. lilmiz - Marso 29, 2008

wow congratz! keep it up :D nakakainggit naman kaw, pwede kumain ng madami ahehe.. ako, kahit di pa kumain, wala talaga, taba-taba pa rin wahaha.

==========

wag ka na mainggit mas maganda nga yung may laman… mukhang madatong he..he..

2. buffalo soldier kadeteng kalabaw - Marso 29, 2008

penge naman ng appetite mo..d pa ko tumataba eh.

=========

try mo yung vitamins baka sakaling umipek din sau :) ha..ha.. dapat binabayaran ako ng zuelig nito sa pageendorse ko ng product nila ;)

3. camilleeee - Marso 29, 2008

naks! ok na balita yan sis c0n. ;)

pag nakuha mo na yung gusto mong timbang, yun na lang i-maintain mo. hirap din kasi pag sumobra eh, hirap din mgpapayat.

4. Maldito - Marso 29, 2008

ma try din ngang vitamins yan..mukhang ok ah.

=========
cge try mo..ther’s no harm in trying naman daw…thnak you nga pala sa pagdalaw the great maldito :)

5. Prinsipe ng Pangarap! - Marso 29, 2008

buti ka pa magkalaman, samantalang ako eh pumayat as in payat talaga. haizt hirap nang ganito chubby chubbiness hate it wahhhhhhh!

=========
ang ganda naman name mo…tumutupad ka rin ba ng mga pangarap he..he…

6. MARU - Marso 29, 2008

kaiinggitan ka ng marami. kung yung iba gumagastos ng limpak limpak para pumayat at pigilan ang pagkain…kaw naman eh kabaliktaran.

nways, sana nga madagdagan ang timbang mo. hindi yung pagbubuntis ang ibig ko sabihin ha?
lols.

=========
wag naman ms maru..ayoko pa mabuntis uli maliit pa si verna ko!