jump to navigation

susme Cosme! Mayo 21, 2008

Posted by einn0c in The Serious Side of Me.
Tags: , ,
trackback

Alas singko ng madaling araw ng sabado ako dumating sa Pangasinan. Malakas na ang hangin noon pero hindi sapat para sabihing bagyo.Dahil sa pagod sa biyahe ay agad akong nakatulog. Nagising na lang ako ng magulat sa lakas ng tunog na narinig mula sa bubong ng aming bahay. Tunog pala iyon ng nahulog na mangga na bumagsak sa bubong. Maya maya ay rinig at ramdam ko ang lakas ng hangin at bumuhos na ang malakas na ulan. Wala kaming choice kundi magmukmok na lang sa loob ng bahay at manalanging huminto na sana ang malakas na ulan. nakatakda pa naman sana sa gabi rin iyon ang aking pagbalik ng maynila kasama ang aking anak,ang kanyang yaya, at si mama. “ano tuloy ba tayo?” usisa sa akin ng aking mama. “oo” tugon ko “kapag tumila ang ulan”. Sumapit ang gabi ang patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan at dagungdong ng malakas na hangin. Di namin alam kong anong storm signal meron dahil brown-out na sa panahong iyon.Pakiwari ko ay mabubutas ang aming bubungan dala ng sunod-sunod na pagbagsak ng indian mango dito. Malalim na ang gabi pero wala pa ring nagbago sa panahon. Lalo pa ngang lumakas ang hangin noong magbago ito ng direksyon. Sabi nga ng mga taga-amin after 20 yrs,ngayon na lang daw uli nagkaroon ng ganung kalakas na bagyo.

Kinabukasan ay wala na si Cosme. Tanging bakas na lamang nya ang naroon.Ang putol na antenna ng aming tv, ilang sakong nahulog na apple mangoes at indian mangoes, nabuwal na mga puno at mga bali-baling sanga. Dagdag mo pa ang sangkatutak na dahon na nagkalat kung saan.At murang bangus na tig-biente lang isang kilo.

Dapat sana ay luluwas na kami sa araw ng linggo subalit walang bus na bumibyahe. Di ito nakapasok ng Pangasinan dahilsa mga tumumbang poste ng kuryente at nagkalat na kawad sa daan.

Sa wakas lunes ay nakaluwas na rin kami. At ako ay lubusang nalungkot sa mga nakita ko sa daan. Mga bahay na walang bubungan, walang dingding. Mga istraktura na gumuho. nasirang pananim. Anlaki nga ng pinsalang idinulot ni cosme.Akala ko malakas na ang bagyo sa isla namin, mas malakas pa pala sa mainland. Kawawa naman ang mga kababayan kong biktima.Pano sila magsisimulang muli? :(

Mga Puna»

1. emoboyblue - Mayo 22, 2008

Kahit kelan talaga yang mga kalamidad na yan! Wala ng ginawang mabuti.. hehe.. Wag kang mag-alala dahil sisikat din ang araw at mapapalitan ang antenna nio ng cable.. Wow! Bongga!! :-)

========
he..he.. di pa ata umaabot cable sa amin..sobrang liblib kasi lugar namin :)