Today’s Journey Mayo 23, 2008
Posted by einn0c in Whatever!.Tags: blog, bloggers, blogging, wordpress
trackback
Sa matagal kong pagbabakasyon sa aking pagbablog ngayon lang ako muling nakapaglakbay sa mundo ng wordpress at nakadalaw sa tahanan ng mga kaibigan. Magkahalong lungkot at saya ang aking naramdaman. Lungkot sapagkat may ilang nakapinid na ang kanilang tahanan, ang iba naman ay wala ng nakatira pagkat namaalam na ang nagmamay-ari sa pagsusulat, pagbukas ko ng kanilang mga pinto ay puro me ultimo adios ang aking nabasa. Isa na rito si Yani aka Ramdom na isa sa pinaka una kong naging kaipigan sa blogosphere. Mamiss kita mare!kulang na ang mga mariang makukulit.
Sa kabilang dako ay nakadarama naman ako ng saya sapagkat may mga bloggers na tulad ko ang muling nagbalik like cams,although hindi na sya ganun ka-active at si lilmiz na halos kasabay kung nagbalik. At siyempre masaya ako sa pagkakaroon ng bagong kaibigan si emoboy na nag-iwan ng komento habang ako ay nasa bakasyon at ngayon ay patuloy na dumadalaw sa aking tahanan.thnx emoboy sana di ka magsawa sa pagbasa ng walang kwenta kung entries..hirap kasi ng ninanakaw lang ang oras sa pagbablog.puro on the spot angĀ mga posts. (palusot pa,eh ang totoo nyan wala talaga ako talent sa pagsusulat he..he..)
Sa aking biyaheng ito,napagtanto ko na tunay nga ang kasabihang walang permanento sa mundo natin kahit na sa mundo ng blogging. May bagong darating, may mamamaalam,may mamamahinga, may magbabalik. Subalit sa bawat pagsara ng pintuan ay may magbubukas ng bintana para sa iyo.
ang permanenteng bagay nalang ata sa mundo ngayon sis con, eh yung ‘pagbabago’… minsan kasi kelangan nating sumabay sa agos ng buhay.
di bale, active man o nde, patuloy pa din ako sa pagdalaw sa mga blogs ng mga naging kaibigan natin.
==========
saan ba papunta ang agos na yan cams..he he.. baka malunod ako di kasi ako marunong lumangoy
ang lalim nyo naman magtagalog aheheh
.. yey, welkam satin mga sis
tama, wala talagang permanente dito sa mundo
========
di mo ba maarok he..he..
Salamat po at kasama ako sa entries niyong ‘to.. Mas masaya ako na nakahanap ako ng kaibigan sa katauhan mo..
.. Tama ka jan laging may magbubukas pagnagsara kaya lagi tayong wag mawawalan ng pag-asa dahil andito ang buong blog community para tulungan ka sa lahat ng pagdadaanan mong lungkot at saya.. Mabuhay ka kaibigan!!
==========
very well said cheers!