??? Mayo 27, 2008
Posted by einn0c in The Serious Side of Me.Tags: inner-self, life, senti-mood, uncertainties
trackback
gusto kong lumipad
pumailanglang sa taas ng ulap
nais kong abutin ang mga bituin
hanggang sa ako’y magkaroon ng sariling ningning
ngunit pano ako makakarating
sa dakong nais paroonan?
kung di ko kayang ikampay aking mga pakpak
dahil sa mga dalahing sadyang kay bigat
paano gagaan, kailan mababawasan?
kailan mawawakasan ang mga pahirap?
ganito nga ba talaga ang buhay
kailangan bang parating may lumbay?
ang bawat pagtawa ba
ay may pagluhang kakambal?
kailangan ba talagang mabigo
bago magtagumpay?
Nice poem!! I like it!! Ang lalim niya pero mararamdaman mo ang gusto mo maabot at makamtan.. I hope makamtan mo siya balang araw at pag natuto kang lumipad wag mo kaming kakalimutan na mga hindi pa marunong lumipad..
.. Ingat!!!
ganda sis! nakakarelate ako
.. ganun talaga.. hehe
ganun yata talaga… so that we’l know the difference and makes us value or appreciate d ader one more …
nice poem