jump to navigation

Holy Week Meditation Marso 19, 2008

Posted by einn0c in The Serious Side of Me.
Tags: , , ,
4 comments

 Four days na walang pasok, fourdays din akong nasa dulo ng Pilipinas kung saan napakailap ng internet. Kaya pansamantala munang hihinto ang aking pagsusulat. Para na rin makapagnilay nilay…

For this season I want to share you the following short story:

The Duck

There was a little boy visiting his grandparents on their farm. He was given a slingshot to play with out in the woods. He Practiced in the woods, but he could never hit the target. Getting A little discouraged, he headed back for dinner.

As he was Walking back he saw Grandma’s pet duck. Just out of impulse, he let the slingshot fly, hit the duck Square in the head, and killed it. He was shocked and grieved.

In a panic, he hid the dead duck in the wood pile, only to see His sister watching! Sally had seen it all, but she said nothing.

After lunch the next day Grandma said, “Sally, let’s wash the Dishes.”

But Sally said, “Grandma, Johnny told me he wanted to help in The kitchen.”

Then she whispered to him, ” Remember the duck?”

So Johnny did the dishes.

Later that day, Grandpa asked if the children wanted to go Fishing and Grandma said, “I’m sorry but I need Sally to help make Supper.”

Sally just smiled and said,” Well that’s all right because Johnny told Me he wanted to help.”

She whispered again, “Remember the duck? “

So Sally Went fishing and Johnny stayed to help.

After several days of Johnny doing both his chores and Sally’s, He finally couldn’t stand it any longer. He came to Grandma and confessed that he had killed the duck.

Grandma knelt down, gave him a hug, and said, “Sweetheart, I know. You see, I was standing at the window and I saw the whole thing, but because I love you, I forgave you. I was just wondering how long You would let Sally make a slave of you. “

THE MORAL OF THE STORY:

Thought for the day and every day thereafter?

Whatever is in your past, whatever you have done… And the devil Keeps throwing it up in your face (lying, cheating, debt, fear, bad Habits, hatred, anger, bitterness, etc.) …. whatever it is…. You need to know that God was standing at the window and He saw the whole thing….. He has seen your whole life.

He wants you to know that He loves you and that you are forgiven. He’s just wondering how long you will let the devil make a slave Of you .

The great thing about God is that when you ask for forgiveness, He Not only forgives you, but He forgets . It is by God’s grace and Mercy that we are saved.

Go ahead and make the difference in someone’s life today.

An Update ( Where is ate Lau?) Marso 19, 2008

Posted by einn0c in The Serious Side of Me.
Tags: , ,
5 comments

“Talagang pera lang ang habol nila” , ito ang konklusyon ng lahat sa nangyari kay ate Lau.

Salamat sa Diyos at ok na nga si ate Lau at malaya na mula sa kanyang mga abductors. Bagamat di pa namin alam ang buong pangyayari, ay magbibigay pa rin ako ng ilang updates based sa mga balibalita ( which i think is not 100 % accurate)

While on the way sa Baclaran sa paniniwalang nandun tinago si ate Lau ay nakatanggap muli ng txt ang kanyang asawa na nagsasabing hindi ito tumupad sa usapang dapat 4:30 ay nasa kanila na ang pera.kaya kinabukasan na nya makikita ang kanyang asawa. Sa sobrang takot kahit gusto pang i-delay ang pagdeposit ng pera ng mga pulis para sana mahuli ang mga salarin ay di na nagdalawang isip si kuya bong na ideposito sa account ang amount na hinihingi nila.  ( salamat sa BPI bank na napaki-usapan ng aming opisina na maghintay saglit). Nang ma-withdraw ng mga kidnapper ang pera ay nagtxt sila na puntahan na si Ate LAu sa SM Makati foodcourt.At doon nga ay natagpuan sya ng kanyang pamilya.

Hindi man lang ba nya nakita kung sino ang dumukot sa kanya,una kong tanong ganung inihatid sya sa SM. Ang sagot hindi raw. Di ba sya sinaktan? Hindi naman daw siguro.Di rin kinuha celfon nya?Hindi rin. Pero ang sigurado sila ay di makausap ngayon si Ate Lau at puro Daddy natatakot ako ang sinasabi.

Mga hakahaka:

1. Initially hold-up lang ang pakay pero dahil wala syang dalang pera ay nauwi sa kidnapping

2. ito ang bagong modus-operandi ngayon. Easy money. Ang hihingin lang ng mga abductor ay yung kayang iproduce within the day.

Hay nakakatakot,Kahit sino na pala ngayon ay maaaring maging biktima ng kidnapping. Hindi na lang mga mayayaman kaya ibayong pag-iingat ang kailangan.

 salamat nga pala sa lahat ng mga concerns!

Where is Lau? Marso 18, 2008

Posted by einn0c in The Serious Side of Me, Uncategorized.
Tags: , , , ,
3 comments

Lunch time. Masaya kaming nagkakabiruan habang nilalantakan ang mga pagkaing nasa aming harapan. Maya maya ay tumunog ang telepono ng aming visor.

Si kuya Bong ang nasa linya. Kinausap si Ate Wil. Parang napakaseryoso ng pinag-uusapan sa linya. Hindi maganda ang expression ng kanyang mukha.

Pagkababa ni ate Wilma ng telepono, sinabihan nya kaming wag mabibigla. At binitiwan nya ang balitang may nagtext raw kay kuya BOng (asawa ni ate Lau) na hawak nila ang kanyang asawa at kinakailangan syang magdeposito sa account ni ate Lau ng 40,000.

Tinawagan ang celfon ni ate Lau,walang sagot. Hinambing ang account na binigay, kay ate Lau nga. Maya-maya ay may nag-text kay Claudine ( taga-ibang department) galing sa CP ni ate LAu na hawak nga raw sya ng limang lalaki.

Ang dami tuloy naming tanong. Ang dami naming theories.

Pano sya nakapagtext kung hawak sya ng limang lalaki? Sya nga ba ang talagang nagtetext? Asan sya?Hawak ba talaga sya ng masasamang loob? o nanakaw lang ang kanyang bag at nakuha ang ilang impormasyon? Pero bakit di pa sya tumatawag,knowing ate Lau as super hysterical at simpleng bagay lang ay ipapamalita na sa buong opisina.

Naparalisado ang trabaho sa opis. Lahat natetense. Di mo aakalaing ang isang eksenang sa tv lang napapanood at nababasa sa dyaryo ay maaari palang mangyari sa malapit mong kakilala at kadepartamento habang ginagampanan ang kanyang trabaho (field work).

Marami pang sumunod na text.

Nakapiring raw si ate lau at dinala sya sa isang iskwater sa dulo ng Quezon City.

Saang dulo? Tanong na naman namin. Sa Payatas dahil maraming iskwater doon? O sa Maligaya? O sa Manggahan?

Maya-maya sa tulong ng teknolohiya ay natrace kung asaan ang location ng cp. Nasa isang building sa may Baclaran.

Nagpasya silang magtungo roon kasama ang  mga awtoridad.

Nasaan na nga ba si ate Lau? Ano ang totoong nangyari sa kanya? Sino ang mga walang pusong dumukot at nagpaparansom sa kanya?

 Sana ok sya. Sanang walang masamang nangyari sa kanya o mangyayari. Sana ma-redeem sya.please God guide the people searching for her at sana bukas pagsikat ng araw ay may magandang balita kaming matatanggap na safe na sya at nakauwi sa kanyang pamilya.

Proactivity Marso 17, 2008

Posted by einn0c in The Serious Side of Me.
Tags: , , ,
4 comments

Napadpad ako sa Kid Nation noong Linggo. Isang reality show sa Channel 23 na nagtatampok sa grupo ng mga bata/kabataan. Hanga ako sa mga batang kasali roon pagkat napakagaling nilang magsalita at wala silang takot na ipahayag ang kanilang nararamdaman at iniisip. At sa murang edad ay nagagawa nilang magpasya para sa kanilang sarili.

Naalala ko tuloy ang aking kabataan. Masasabi kong masyado akong naging passive. Ako yung tipo ng batang walang marinig na sagot o sumbat kapag nakagalitan ng magulang. Kusa kong tatanggapin ang anumang parusang inaaatang nila kung meron man. Kahit minsan alam kung tama ako ay hinahayaan ko na lang at sinasarili. Sa ganitong sitwasyon naging isang “mabuting anak” ang dating ko sa aking mga magulang. Mabait, di palasagot.

Subalit napapaisip ako sa ngayon kung tama ba ang ganoong attitude? Ang wag na lang sumagot, ang wag na lang sabihin anuman ang saloobin para hindi na humaba ang usapan? para di na humantong sa mainip na sagutan?

Tingin ko hindi. Maling sarilinin ang mga bagay na dapat ay ibinabahagi. Dapat matuto akong magsalita at hindi isang listener lamang. Sayang naman ang aking mga ideya. Sayang naman ang aking paliwanag na maaaring magbigay rin ng liwanag sa kanila. Dapat hindi ako matakot isambulat ang aking saloobin. Karapatan ko iyon. Dapat ko ring matutunan na hindi lahat ay sasang-ayon sa aking sasabihin pero hindi rin naman lahat ay sasalungat. Bahala sila kung ano ang gusto nilang pulutin at kung ano ang gusto nilang itapon.

Sabi ko nga sa aking ka-opisina, pag laki ng aking baby ay papayagan ko syang sumagot sa akin.Pero syempre dapat andun pa rin ang paggalang. Hahayaan ko syang ipahayag ang kanyang saloobin. Para matutunan nyang i-express ang kanyang sarili at mabuo ang pagtitiwala rito.

A Tree of Four Seasons Marso 15, 2008

Posted by einn0c in The Serious Side of Me.
Tags: , ,
2 comments

 I want to share this short story I read from www.inspirationalstories.com. Hope it will inspires you too. Happy weekend!

There was a man who had four sons. He wanted his sons to learn not to judge things too quickly. Therefore, he sent them each on a quest, in turn, to go and look at a pear tree that was a great distance away. The first son went in the winter, the second in the spring, the third in summer, and the youngest son in the fall. When they had all gone and come back, he called them together to describe what they had seen. The first son said that the tree was ugly, bent, and twisted. The second son said no–it was covered with green buds and full of promise. The third son disagreed, he said it was laden with blossoms that smelled so sweet, and looked so beautiful, and it was the most graceful thing he had ever seen. The last son disagreed with all of them; he said it was ripe and drooping with fruit, full of life and fulfillment. The man then explained to his sons that they were all right, because they had each seen but ONLY one season in the tree’s life. He told them that you cannot judge a tree, or a person, by only one season, and that the essence of whom they are–and the pleasure, joy, and love that come from that life–can only be measured at the end, when all the seasons are up. The moral of the story: If you give up when it is winter, you will miss the promise of your spring, the beauty of your summer, and fulfillment of your fall. Do not let the pain of one season destroy the joy of all the rest. Do not judge life by one difficult season.

Persevere through the difficult patches and better times are sure to come some time or later.

Virus Alert! Marso 15, 2008

Posted by einn0c in Tags around WP.
Tags: , , ,
2 comments

I visited Random’s Blog home and guess what I got? A Virus

Instruction:Cut and paste the following starting here.

I have randomly selected 5 of you below to be tagged and I hope that you will similarly publish this post in your blog. You will have to tag 5 other bloggers and just keep adding on to the list. (Do not replace, just keep on adding! Yes we hope it will be a long list!)

tagged_1.jpg

It’s real easy! Tag others and see your Technorati Authority increase exponentially! The benefits of Viral Linking:
- One of the fastest ways to see your technorati authority explode!
- Increase your Google PageRank fast
- Attract large volume of new traffic to your site
- Build your community
- Make new friends!

The Strategist Notebook Link Addiction Ardour of the Heart When Life Becomes a BookThe Malaysian Life Yogatta.com What goes under the sun Roshidan Cyber Station Sasha says Arts of Physics And the legend lives My View, My Life A Simple Life Juliana RW The Callalily Space Petra Summer in Blue The Pipeline Fixation Jaylance Journal My Restless Feet Soloflight Ed Fil-Oz Rants and Ramblings More on Health Around d’ World What A World Ako Si Fau! Jgsmart’s Geisha (gay’sya) Diaries, Randomdemeanor, E-i-n-n-o-c.

Now, I got a problem with this virus because I have a hard time looking for fellow bloggers to be infected with it.Hmmm, I am passing the virus to lismis, youareyou, repah…..who else???? well just do the tag just in case you also want the virus.

Haler??? Marso 14, 2008

Posted by einn0c in Whatever!.
Tags: , , , , ,
2 comments

Naiinis ako sa sarili ko.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Pakiwari ko ay bumalik ako sa pagiging teenager at nalilito sa aking feelings.Para bang di makakain di  makatulog ang dating.

May isa akong kaopisinang hinahangaan.Siguro dahil cutie at neat ang kanyang arrive, may sense of humor at talented. Lalong tumindi ang paghanga ko nung maging close kami sa kick-off ng aming opisina.

1. Paghanga lamang ba ang nararamdaman ko sa kanya ganung may pagkakataon na nagdi-daydreaming ako na sya aking kasama?

2. Bakit masaya ako sa tuwing nakikita k0 sya lalo kapag binabati nya ako at tinatawag na partner?

3. Bakit nakaramdam ako ng kirot ng malaman kung may gf na sya at nagwowonder ako kung ano kaya hitsura nito?

4. Tama bang makaramdam ako ng ganitong mga bagay gayong may asawa na ako?

5. May mga pagkakataon din kaya na dumaan sa ganitong stage ang asawa ko? o ibang taong tulad kung committed na?

Gusto kong isipin na paghanga lang to at nothing more than that. At darating ang panahon na makakalimutan ko rin ang anumang nararamdaman ko ngayon.

Naalala ko tuloy noong haiskul ako–”bata ka pa,puppy love lang yan,lilipas din yan :)

Mixed Nuts Marso 3, 2008

Posted by einn0c in Whatever!.
Tags: , , ,
5 comments

antok na antok ako ngayon

dami kasi namin kinain kaninang lunch

chicken barbecue, sopas, lakatan, indian mango w/ alamang, langka

goodluck na lang talaga sa digestive system ko

==========

naalala ko yung mama sa pizza hut noong friday

kainis talaga sya, super ma- feeling

di lang sya agad napansin ng crew naghighblood na

akusahan bang nakikipagtsismisan daw yung crew sa amin kaya di sya napansin

aba,eh umoorder pa kaya kami

sya tong sumisingit

porke ba rich sya,kailangan sya unahin?

aba parepareho lang kaming costumers noh?

super duper irrate talaga

kinausap nya yung visor at nagsumbong

pinagdidiinan talagang nakikipagtsikahan yung crew sa amin

at sinabi pang bumulong ng bad words yung crew sa isang kasamahan nito

kesyo marunong raw syang magbasa ng labi ng tao

nagmamarunong talaga,kaiinis…super usok tenga ko

gusto ko na nga sanang iturok yung bread knife sa tagiliran nya

sabay sabing : Read my lips!

========

kanina ko pa pilit iniisip yung napanaginipan ko kagabi

kaso di ko talaga maalala

basta ang alam ko madugo sya

siguro dala lang ng Ramboo 3 ( ba yun?) na pinanood namin bago matulog kagabi

infairness kala ko jologs yung movie

pero ganda naman pala ng action,talagang nakakagising

panaan sa ulo, wakwakan ng katawan, talamsikan ng utak, bahaan ng dugo, bombahan, barilan

minsan may mga bagay na ayaw mo na sanang balikan pero tadhana ang gumagawa ng paraan para muli mong tahakin ang daan pabalik dito

yan ang narealize ko sa pelikulang ito.

Lessons Learned Pebrero 28, 2008

Posted by einn0c in The Serious Side of Me.
Tags: , , , , ,
3 comments

Tumawag si mama kagabi,napanaginipan raw kasi nya the other night na nagkalasug-lasug raw ang katawan ko gawa ng di nya mawaring creature tapos nung nakuha na raw nila ako unti-unti akong nabubuo tapos sabi ko raw ok naman pakiramdam ko.

Bigla tuloy akong napa-reflect. Hindi kaya isang prophecy yun kay mama tungkol sa naging takbo ng buhay ko?

Masasabi kong nagsimula ako sa isang smooth-sailing life. Wala akong dapat alalahanin dahil binibigay lahat ng pangangailangan ko. Na sinusuklian ko naman ng kabaitan, tagumpay sa ibat-ibang larangan.Sa mga panahong iyon kung magkakaproblema man ako ay napaka-light lang at parating meron akong masasandalan sa tabi ko.Safe life kung maituturing. Parati akong nasa safe side or should i say right side. Takot akong magventure sa kabilang dako ng mundo dahil kala ko ok na sakin ang ganitong buhay.Simple,tahimik…

Of all sudden pakiwari ko boring na ang lahat. Gusto ko iba naman. Yung may thrill, yung exciting.

Kaya sinubukan kung somehow mag-deviate sa norm na kinalakhan ko. At first it was fun. I thought it would be forever like that. Pero masyado ata akong nag-give-in. At ng marealize kung di na tama ang nangyayari, di ko alam kung ano ang nararapat gawin.Di kasi ako handa. Dahil hindi ako nasanay na harapin ang buhay ko ng mag-isa.And everything failed. My goals,my dreams,yes my entire life.

That moment i felt so shattered. At di ko alam kung saan ako magsisimulang pulutin ang bawat piraso ng aking pagkatao.I blamed everyone. So many if’s,so many buts. Everything was a huge question mark to me.Regrets.I cried often wishing na sana anurin nito lahat ng sakit,hirap na dinadanas ko ….

That was then.

But now,somehow I am ok na. Not totally overhauled pero at least unti unti ko ng napagdidikit ang bawat piraso ng aking buhay. Yes,the scars will forever stay pero naniniwala naman ako na ang bawat peklat na dala ng mga sugat ng kahapon ang magpapatibay sa akin sa kasalukuyan at sa hinaharap.

Salamat at natutunan ko ang word na acceptance. That if I could not change things the way I like them to be,tinuturuan ko ang aking sarili na-iaccept things as they are and try to find possitive things dito. Tingin ko mas madali ito kaysa pilitin kung magkaroon ng solusyon o pagbabago ang isang bagay na tila imposible naman.

And if you gonna ask me now kung nagsisisi ako sa mga ginawa ko?

Yes there was a time na puro regrets..regrets..regrets!But then I realized na I should not regret doing them kasi that very moment na ginagawa ko ang mga bagay na yun ay yun exactly ang gusto ng puso at isip ko.

 Now,it’s no more regrets only lessons learned and reasons to live happy :)

“everything in life has a purpose

there are no mistakes

coincidences,events are blessings to us

to learn from them”

office blues Pebrero 27, 2008

Posted by einn0c in On The Lighter Side, Whatever!.
Tags: , ,
2 comments

Maganda ata gising ng mga ka-departamento ngayon dahil nagawa naming mag brainstorming habang nagtratrabaho.

Nga pala bago ako tuluyang magkwento ay hayaang nyong ipakilala ko muna ang aking mga kadepartamento: On my left ay si piggy ,next to her ay si piglet, sa likod nya ay si liit aka nora aunor, tapos sunod sa kanya ay si batchoy, sa likod ay si chelsea (remember patayin sa sindak si barbara) and right to me is my visor ( oh di ba isang sulyap lang ng supervisor ay paniguradong timbog ako sa aking pagwowordpress, pero gaya ng ibang bloggers kanya-kanyang talent lang ng pagtatago yan :) ). Next cubicle ay nandoon si porky at sa likod nya ay si marie burdado. Kasama rin pala namin si Mamu ang mudra ng mga nagmumurang kamatis at proud sa cleavage kahit kulubot na. Motto nga nya “may asim pa”.Pero this time as silent lang sya sa aming topic of the day.Pansin nyo ba me lang walang alyas? shy kasi akong sabihing ako si cutie ;)

piggy: nanood ba kau ng lobo?

me: oo,nakatakas si Agot

piggy: sabi ko nga pag nahuli pa xa kalokohan na yun.

me: sino ba si shaina dun?

piggy: napulot sya ng mga luna…

ngayon ko lang nalaman na may puti at itim na lobo pala sa teleseryeng iton.aba malay ko ba kagabi lang ako nakanood eh!

piggy: nakakainis na ang marimar

liit: oo nga di naman ganun yun dati

me: masyado ng pinahaba

lingid sa aking kaalaman ay may nagproprotesta pala via chikka si porky kapuso kasi sya at maka-marimar.

me: maricar eww! ( maricar kasi name nya)

tawanan kami lahat

me: sa channel 11 my rosalinda

piggy: un ba ung may mga roses.oh diba alam ko pa?college pa tau nun.

me: intern tau nun naaalala ko kasi may co-intern akong kasing liit ko pero galing kumanta ng rosalinda

me: mas gusto ko yung maria mercedes ( sabay kanta:maria mercedez ang pangalan ko:)  )

piglet: alam na alam ha!

piggy. paulit ulit yung palabas.pati nga mga cartoons

me: oo tulad nung ano nga ba un? yung sila alfred,eugene..

piggy: ghost fighter..nanood ako nun

me: meron ngayon sa 7

piggy: ayoko na nun napanood ko na yun

piglet: gusto ko yung cedi

me: heidi ang meron tuwing saturday

piggy: nanonood dn ako..yung..ano..yung babae…

piglet: princess sarah?

piggy: hindi

me: yung kulay gold ang buhok?

piggy:oo

me: yung nakatirintas?

piggy:oo

me: anne of green gables ba yun?

piggy: nanonood rin ako nun pero hindi yun…

eh di ba hataw kami sa topic ngayon?at kung nagtataka kayo bakit di kasama ang iba sa usapan isa lang ang dahilan: dahil kabilang sila sa ibang henerasyon. kami ang mga bagets sila ang mga forgets :lol: