Today’s Journey Mayo 23, 2008
Posted by einn0c in Whatever!.Tags: blog, bloggers, blogging, wordpress
3 comments
Sa matagal kong pagbabakasyon sa aking pagbablog ngayon lang ako muling nakapaglakbay sa mundo ng wordpress at nakadalaw sa tahanan ng mga kaibigan. Magkahalong lungkot at saya ang aking naramdaman. Lungkot sapagkat may ilang nakapinid na ang kanilang tahanan, ang iba naman ay wala ng nakatira pagkat namaalam na ang nagmamay-ari sa pagsusulat, pagbukas ko ng kanilang mga pinto ay puro me ultimo adios ang aking nabasa. Isa na rito si Yani aka Ramdom na isa sa pinaka una kong naging kaipigan sa blogosphere. Mamiss kita mare!kulang na ang mga mariang makukulit.
Sa kabilang dako ay nakadarama naman ako ng saya sapagkat may mga bloggers na tulad ko ang muling nagbalik like cams,although hindi na sya ganun ka-active at si lilmiz na halos kasabay kung nagbalik. At siyempre masaya ako sa pagkakaroon ng bagong kaibigan si emoboy na nag-iwan ng komento habang ako ay nasa bakasyon at ngayon ay patuloy na dumadalaw sa aking tahanan.thnx emoboy sana di ka magsawa sa pagbasa ng walang kwenta kung entries..hirap kasi ng ninanakaw lang ang oras sa pagbablog.puro on the spot ang mga posts. (palusot pa,eh ang totoo nyan wala talaga ako talent sa pagsusulat he..he..)
Sa aking biyaheng ito,napagtanto ko na tunay nga ang kasabihang walang permanento sa mundo natin kahit na sa mundo ng blogging. May bagong darating, may mamamaalam,may mamamahinga, may magbabalik. Subalit sa bawat pagsara ng pintuan ay may magbubukas ng bintana para sa iyo.
the comeback Mayo 20, 2008
Posted by einn0c in Whatever!.Tags: blog, blogging
2 comments
Long time no post..hayyyy ilang months nga ba ako nawala? ayoko ng alalahanin pa at least ang mahalaga ay nakabalik ako.
Ang totoo I was tempted to close this blog (na naman?) gaya nung una kung blog home kasi akala ko di na ako magkakaroon ng pagkakataong i-update sya.Besides ay nagkasabay sabay ang aking mga problema na naging dahilan ng pagkakawala ng aking gana. Dagdag mo pa ang restriction sa paggamit ng internet dito sa office at katoxican sa trabaho.
Pero buti na lang at nagbago ang isip ko. Sayang naman kasi ang aking nasimulan (ang hirap kaya magsimula muli). Sayang ang mga oras na ninakaw ko sa trabaho para lang makagawa ng post at higit sa lahat sayang naman ang mga kaibigang nakilala ko sa mundong ito.
The Birth Pebrero 6, 2008
Posted by einn0c in The Serious Side of Me.Tags: blog, blogging, Einnocynthesis
1 comment so far
“What we call the beginning is often the end. And to make an end is to make a beginning. The end is where we start from.” - T.S. Eliot -
Abala sa trabaho, nagkukumahog sa pagdating ng pasko at bagong taon, ilang negatibong pwersa at di maipaliwanag na damdamin ang ilan sa mga bagay kung bakit napabayaan ko ang isang bagay na dati kong kinahuhumalingan at di naglaon ay tuluyan ko na ngang isinara ang Einnocistic na minsan ding naging bahagi ng aking buhay.
Bago ko tuluyang binura ang aking mga sinulat ay isa isa ko silang binalikan at binasa.Pakiwari ko ay nagbabasa ako ng blog ng ibang tao. Dahil hindi ko nakita ang aking sarili sa bawat letrang nakapaloob roon. Pawang mapagpaimbabaw, mapagkunwari, mapagbalat-kayo.Kaya tuluyan ko ng ipininid ang dati kong naging tahanan.Kasama ang pangakong isang araw pag biniyayaan muli ako ng sapat na oras ay muli akong magbubukas ng bagong bahay sa lugar din kung saan mayroon na akong mga kaibigan.Kalakip ang panalanging sana sa aking pagbabalik ay may puwang pa rin ako sa kanilang tahanan at may oras pa sila para ako ay dalawin.
Mahigit ding isang buwan ang nagdaan bago dumating ang sa tingin ko ay tamang pagkakataon na aking hinihintay para muling magsulat at makibahagi. Ito ang araw na muli akong magbubukas ng isang blog. Isang bahay kung saan mapapaloob ang totoong ako.Walang pretensyon.Walang halong pagkukunwari.
This is the day. February 06,2008.Ipinanganak ang Einnocynthesis!