jump to navigation

Proactivity Marso 17, 2008

Posted by einn0c in The Serious Side of Me.
Tags: , , ,
4 comments

Napadpad ako sa Kid Nation noong Linggo. Isang reality show sa Channel 23 na nagtatampok sa grupo ng mga bata/kabataan. Hanga ako sa mga batang kasali roon pagkat napakagaling nilang magsalita at wala silang takot na ipahayag ang kanilang nararamdaman at iniisip. At sa murang edad ay nagagawa nilang magpasya para sa kanilang sarili.

Naalala ko tuloy ang aking kabataan. Masasabi kong masyado akong naging passive. Ako yung tipo ng batang walang marinig na sagot o sumbat kapag nakagalitan ng magulang. Kusa kong tatanggapin ang anumang parusang inaaatang nila kung meron man. Kahit minsan alam kung tama ako ay hinahayaan ko na lang at sinasarili. Sa ganitong sitwasyon naging isang “mabuting anak” ang dating ko sa aking mga magulang. Mabait, di palasagot.

Subalit napapaisip ako sa ngayon kung tama ba ang ganoong attitude? Ang wag na lang sumagot, ang wag na lang sabihin anuman ang saloobin para hindi na humaba ang usapan? para di na humantong sa mainip na sagutan?

Tingin ko hindi. Maling sarilinin ang mga bagay na dapat ay ibinabahagi. Dapat matuto akong magsalita at hindi isang listener lamang. Sayang naman ang aking mga ideya. Sayang naman ang aking paliwanag na maaaring magbigay rin ng liwanag sa kanila. Dapat hindi ako matakot isambulat ang aking saloobin. Karapatan ko iyon. Dapat ko ring matutunan na hindi lahat ay sasang-ayon sa aking sasabihin pero hindi rin naman lahat ay sasalungat. Bahala sila kung ano ang gusto nilang pulutin at kung ano ang gusto nilang itapon.

Sabi ko nga sa aking ka-opisina, pag laki ng aking baby ay papayagan ko syang sumagot sa akin.Pero syempre dapat andun pa rin ang paggalang. Hahayaan ko syang ipahayag ang kanyang saloobin. Para matutunan nyang i-express ang kanyang sarili at mabuo ang pagtitiwala rito.