jump to navigation

The Birth Pebrero 6, 2008

Posted by einn0c in The Serious Side of Me.
Tags: , ,
1 comment so far

“What we call the beginning is often the end. And to make an end is to make a beginning. The end is where we start from.”                                                                                                                                                                                  - T.S. Eliot -

Abala sa trabaho, nagkukumahog sa pagdating ng pasko at bagong taon, ilang negatibong pwersa at di maipaliwanag na damdamin ang ilan sa mga bagay kung bakit napabayaan ko ang isang bagay na dati kong kinahuhumalingan at di naglaon ay tuluyan ko na ngang isinara ang Einnocistic na minsan ding naging bahagi ng aking buhay.

Bago ko tuluyang binura ang aking mga sinulat ay isa isa ko silang binalikan at binasa.Pakiwari ko ay nagbabasa ako ng blog ng ibang tao. Dahil hindi ko nakita ang aking sarili sa bawat letrang nakapaloob roon. Pawang mapagpaimbabaw, mapagkunwari, mapagbalat-kayo.Kaya tuluyan ko ng ipininid ang dati kong naging tahanan.Kasama ang pangakong isang araw pag biniyayaan muli ako ng sapat na oras ay muli akong magbubukas ng bagong bahay sa lugar din kung saan mayroon na akong mga  kaibigan.Kalakip ang panalanging sana sa aking pagbabalik ay may puwang pa rin ako sa kanilang tahanan at may oras pa sila para ako ay dalawin.

Mahigit ding isang buwan ang nagdaan bago dumating ang sa tingin ko ay tamang pagkakataon na aking hinihintay para muling magsulat at makibahagi. Ito ang araw na muli akong magbubukas ng isang blog. Isang bahay kung saan mapapaloob ang totoong ako.Walang pretensyon.Walang halong pagkukunwari.

This is the day. February 06,2008.Ipinanganak ang Einnocynthesis!