jump to navigation

??? Mayo 27, 2008

Posted by einn0c in The Serious Side of Me.
Tags: , , ,
3 comments

gusto kong lumipad

pumailanglang sa taas ng ulap

nais kong abutin ang mga bituin

hanggang sa ako’y magkaroon ng sariling ningning

ngunit pano ako makakarating

sa dakong nais paroonan?

kung di ko kayang ikampay aking mga pakpak

dahil sa mga dalahing sadyang kay bigat

paano gagaan, kailan mababawasan?

kailan mawawakasan ang mga pahirap?

 

ganito nga ba talaga ang buhay

kailangan bang parating may lumbay?

ang bawat pagtawa ba

ay may pagluhang kakambal?

kailangan ba talagang mabigo

bago magtagumpay?

Don’t Quit Abril 4, 2008

Posted by einn0c in INSPIRATIONS.
Tags: , ,
5 comments

When things go wrong,
As they sometimes will,
When the road you’re trudging seems all uphill,
When the funds are low and the debts are high,
And you want to smile,
But you have to sigh,
When care is pressing you down a bit
Rest if you must,
But Don’t You Quit!

Life is strange with its twists and turns,
As every one of us sometimes learns,
And many a fellow turns about
When he might have won had he stuck it out.
Don’t give up through the pace seems slow
You may succeed with another blow.

Often the goal is nearer than
It seems to a faint and faltering man
Often the struggler has given up
When he might have captured the victor’s cup
And he learned too late when the night came down
How close he was to the golden crown.

Success is failure turned inside out
The silver tint of the clouds of doubt,
And you never can tell how close you are,
It may be near when it seems afar
So stick to the fight when you’re hardest hit
It’s when things seem the worst
That You Mustn’t Quit!

~unknown~

Since my mind is still pre-occupied of so many things and can not think of a topic for a post, i am sharing this poem that continuously inspires me when i am feeling down…hope it will also give hope to those who are under pressure and carries heavy burden in their lives :)

Proactivity Marso 17, 2008

Posted by einn0c in The Serious Side of Me.
Tags: , , ,
4 comments

Napadpad ako sa Kid Nation noong Linggo. Isang reality show sa Channel 23 na nagtatampok sa grupo ng mga bata/kabataan. Hanga ako sa mga batang kasali roon pagkat napakagaling nilang magsalita at wala silang takot na ipahayag ang kanilang nararamdaman at iniisip. At sa murang edad ay nagagawa nilang magpasya para sa kanilang sarili.

Naalala ko tuloy ang aking kabataan. Masasabi kong masyado akong naging passive. Ako yung tipo ng batang walang marinig na sagot o sumbat kapag nakagalitan ng magulang. Kusa kong tatanggapin ang anumang parusang inaaatang nila kung meron man. Kahit minsan alam kung tama ako ay hinahayaan ko na lang at sinasarili. Sa ganitong sitwasyon naging isang “mabuting anak” ang dating ko sa aking mga magulang. Mabait, di palasagot.

Subalit napapaisip ako sa ngayon kung tama ba ang ganoong attitude? Ang wag na lang sumagot, ang wag na lang sabihin anuman ang saloobin para hindi na humaba ang usapan? para di na humantong sa mainip na sagutan?

Tingin ko hindi. Maling sarilinin ang mga bagay na dapat ay ibinabahagi. Dapat matuto akong magsalita at hindi isang listener lamang. Sayang naman ang aking mga ideya. Sayang naman ang aking paliwanag na maaaring magbigay rin ng liwanag sa kanila. Dapat hindi ako matakot isambulat ang aking saloobin. Karapatan ko iyon. Dapat ko ring matutunan na hindi lahat ay sasang-ayon sa aking sasabihin pero hindi rin naman lahat ay sasalungat. Bahala sila kung ano ang gusto nilang pulutin at kung ano ang gusto nilang itapon.

Sabi ko nga sa aking ka-opisina, pag laki ng aking baby ay papayagan ko syang sumagot sa akin.Pero syempre dapat andun pa rin ang paggalang. Hahayaan ko syang ipahayag ang kanyang saloobin. Para matutunan nyang i-express ang kanyang sarili at mabuo ang pagtitiwala rito.

A Tree of Four Seasons Marso 15, 2008

Posted by einn0c in The Serious Side of Me.
Tags: , ,
2 comments

 I want to share this short story I read from www.inspirationalstories.com. Hope it will inspires you too. Happy weekend!

There was a man who had four sons. He wanted his sons to learn not to judge things too quickly. Therefore, he sent them each on a quest, in turn, to go and look at a pear tree that was a great distance away. The first son went in the winter, the second in the spring, the third in summer, and the youngest son in the fall. When they had all gone and come back, he called them together to describe what they had seen. The first son said that the tree was ugly, bent, and twisted. The second son said no–it was covered with green buds and full of promise. The third son disagreed, he said it was laden with blossoms that smelled so sweet, and looked so beautiful, and it was the most graceful thing he had ever seen. The last son disagreed with all of them; he said it was ripe and drooping with fruit, full of life and fulfillment. The man then explained to his sons that they were all right, because they had each seen but ONLY one season in the tree’s life. He told them that you cannot judge a tree, or a person, by only one season, and that the essence of whom they are–and the pleasure, joy, and love that come from that life–can only be measured at the end, when all the seasons are up. The moral of the story: If you give up when it is winter, you will miss the promise of your spring, the beauty of your summer, and fulfillment of your fall. Do not let the pain of one season destroy the joy of all the rest. Do not judge life by one difficult season.

Persevere through the difficult patches and better times are sure to come some time or later.

Mixed Nuts Marso 3, 2008

Posted by einn0c in Whatever!.
Tags: , , ,
5 comments

antok na antok ako ngayon

dami kasi namin kinain kaninang lunch

chicken barbecue, sopas, lakatan, indian mango w/ alamang, langka

goodluck na lang talaga sa digestive system ko

==========

naalala ko yung mama sa pizza hut noong friday

kainis talaga sya, super ma- feeling

di lang sya agad napansin ng crew naghighblood na

akusahan bang nakikipagtsismisan daw yung crew sa amin kaya di sya napansin

aba,eh umoorder pa kaya kami

sya tong sumisingit

porke ba rich sya,kailangan sya unahin?

aba parepareho lang kaming costumers noh?

super duper irrate talaga

kinausap nya yung visor at nagsumbong

pinagdidiinan talagang nakikipagtsikahan yung crew sa amin

at sinabi pang bumulong ng bad words yung crew sa isang kasamahan nito

kesyo marunong raw syang magbasa ng labi ng tao

nagmamarunong talaga,kaiinis…super usok tenga ko

gusto ko na nga sanang iturok yung bread knife sa tagiliran nya

sabay sabing : Read my lips!

========

kanina ko pa pilit iniisip yung napanaginipan ko kagabi

kaso di ko talaga maalala

basta ang alam ko madugo sya

siguro dala lang ng Ramboo 3 ( ba yun?) na pinanood namin bago matulog kagabi

infairness kala ko jologs yung movie

pero ganda naman pala ng action,talagang nakakagising

panaan sa ulo, wakwakan ng katawan, talamsikan ng utak, bahaan ng dugo, bombahan, barilan

minsan may mga bagay na ayaw mo na sanang balikan pero tadhana ang gumagawa ng paraan para muli mong tahakin ang daan pabalik dito

yan ang narealize ko sa pelikulang ito.

Lessons Learned Pebrero 28, 2008

Posted by einn0c in The Serious Side of Me.
Tags: , , , , ,
3 comments

Tumawag si mama kagabi,napanaginipan raw kasi nya the other night na nagkalasug-lasug raw ang katawan ko gawa ng di nya mawaring creature tapos nung nakuha na raw nila ako unti-unti akong nabubuo tapos sabi ko raw ok naman pakiramdam ko.

Bigla tuloy akong napa-reflect. Hindi kaya isang prophecy yun kay mama tungkol sa naging takbo ng buhay ko?

Masasabi kong nagsimula ako sa isang smooth-sailing life. Wala akong dapat alalahanin dahil binibigay lahat ng pangangailangan ko. Na sinusuklian ko naman ng kabaitan, tagumpay sa ibat-ibang larangan.Sa mga panahong iyon kung magkakaproblema man ako ay napaka-light lang at parating meron akong masasandalan sa tabi ko.Safe life kung maituturing. Parati akong nasa safe side or should i say right side. Takot akong magventure sa kabilang dako ng mundo dahil kala ko ok na sakin ang ganitong buhay.Simple,tahimik…

Of all sudden pakiwari ko boring na ang lahat. Gusto ko iba naman. Yung may thrill, yung exciting.

Kaya sinubukan kung somehow mag-deviate sa norm na kinalakhan ko. At first it was fun. I thought it would be forever like that. Pero masyado ata akong nag-give-in. At ng marealize kung di na tama ang nangyayari, di ko alam kung ano ang nararapat gawin.Di kasi ako handa. Dahil hindi ako nasanay na harapin ang buhay ko ng mag-isa.And everything failed. My goals,my dreams,yes my entire life.

That moment i felt so shattered. At di ko alam kung saan ako magsisimulang pulutin ang bawat piraso ng aking pagkatao.I blamed everyone. So many if’s,so many buts. Everything was a huge question mark to me.Regrets.I cried often wishing na sana anurin nito lahat ng sakit,hirap na dinadanas ko ….

That was then.

But now,somehow I am ok na. Not totally overhauled pero at least unti unti ko ng napagdidikit ang bawat piraso ng aking buhay. Yes,the scars will forever stay pero naniniwala naman ako na ang bawat peklat na dala ng mga sugat ng kahapon ang magpapatibay sa akin sa kasalukuyan at sa hinaharap.

Salamat at natutunan ko ang word na acceptance. That if I could not change things the way I like them to be,tinuturuan ko ang aking sarili na-iaccept things as they are and try to find possitive things dito. Tingin ko mas madali ito kaysa pilitin kung magkaroon ng solusyon o pagbabago ang isang bagay na tila imposible naman.

And if you gonna ask me now kung nagsisisi ako sa mga ginawa ko?

Yes there was a time na puro regrets..regrets..regrets!But then I realized na I should not regret doing them kasi that very moment na ginagawa ko ang mga bagay na yun ay yun exactly ang gusto ng puso at isip ko.

 Now,it’s no more regrets only lessons learned and reasons to live happy :)

“everything in life has a purpose

there are no mistakes

coincidences,events are blessings to us

to learn from them”

One Wednesday Morning Pebrero 21, 2008

Posted by einn0c in On The Lighter Side, Whatever!.
Tags: , ,
5 comments

Alas-sais ng umaga kami dumating ng bahay galing ng Pangasinan. Dahil malapit naman ang opisina sa aming tinitirhan ay nagawa ko pang umidlip at planong bumangon ng 6:30. Sa kasamaang palad ay alas siyete na ako nagising. Kaya nagkumahog ako sa pagligo at paghahanda ng aking mga gamit. 7: 30 na ako nakaalis na humihingal pa dahil para akong ipo-ipong kumilos mahabol lang ang oras.

Salamat naman at pagdating ko ng kanto ay meron kaagad fx. Ang kaso noong magbabayad na ako ay di ko mahagilap ang wallet na pinaglalagyan ko ng barya. Buti na lang at nadala ko ang aking black wallet. Ang problema naman ngayon ay 1000 peso bill lang ang laman nito. May pansusukli kaya si manong early in the morning? Kagaya kaya siya ng ibang drayber na magsesermon at magmumura? Pabababain kaya nya ko ng fx? First time nangyari sa akin to kaya talagang tolero at balisa ako sa oras na yun.

Pero ala akong choice kundi magbayad na dahil malapit na ako bumaba kaya inabot ko kay manong ang aking pera sabay ang kalakip na panalanging sana ay di naman ako pahiyain.Kinuha nya ang bayad ko at binalik. Sabi ko, ” Manong wala na akong ibang pera eh”. Deadma si manong. Tahimik lang ako sa pwesto ko at nakatingin sa isang direksyon. Siguro kung mestiza lang ako super pula na ako sa oras na yun.

Kailangan ko ng pumara kaya kapal mukha akong nagsabi, “mama sa bpi lang po”. Huminto ang fx. Bumaba ako sabay sabi kay manong, “kuya thank you po”. tumango naman sya. Pagbaba ko isang napakalalim na buntong hininga ang aking pinakawalan.Hayyyyy

Lesson learned: Laging magbayad ng isang libo sa umaga para laging libre sa pamasahe ;)