lonely heart Pebrero 8, 2008
Posted by einn0c in The Serious Side of Me.Tags: emotion, innner self, loneliness
6 comments
‘ This is loneliness.Oh, what a bitter thing ” – Hedfort
Nagising ako kaninang umaga na punong puno ng lungkot ang aking puso. Sa totoo lang di ko mawari ang tunay na dahilan ng dalamhating aking nararamdaman.
Dahil ba ito sa isang panaginip na di ko lang matandaan? Dahil ba ito sa isang usapan bago ako matulog kagabi? Dahil ba sa nagising akong mag-isa at wala mang lang makausap? Dahil ba ito sa mga dating alalahanin?dating problema?kasalukuyang suliranin? o magiging problema pa lang?
Hanggang sa pagpasok ko sa opisina ay dala ko ang bigat ng kalooban at sa awa ng Diyos ay wala pa rin akong nasusumpungang kasagutan. Sadya nga bang minsan dumarating sa buhay ng tao ang nakakaramdam sya ng lungkot at parang ibig nyang lumuha pero wala namang dahilan? Baka naman may problema na akong sikolohikal?!
Pero kahit gaano pa ka-negatibo ang pwersang nararamdaman ko sa oras na ito ay di ko hahayaang basta na lang ako magpapahilala at magpapakalugmok sa kalungkutan. Di ko hahayaang magapi nya ako.
Lalaban at lalaban ako!
Aaliwin ko ang sarili ko hanggang makalimutang kong malungkot ako. Magliliwaliw ako sa blogosphere hanggang kung saan ako dalhin nang aking kompyuter, makikigulo ako sa aking mga kaopisina, kakain ako anuman ang aking naisin at tititigan ko ang larawan ni verna at kasabay nito ang pagbalintataw ng kanyang kakulitan, kakyutan at kalambingan. Hanggang sa di ko mamamalayang ngumingiti na pala ako, tumatawa na pala ako. Masaya na pala ako!
Sana nga…